Business ops palalawakin ng 3 Thai firms sa PH

NASIGURO na ni Pangulong Noynoy Aquino III ang commitment ng tatlong Thai companies para palawigin ang business operation sa Pilipinas.

Ito ay matapos ang matagumpay na pakipagpulong ni PNoy sa CP Group, Siam Cement at PTT Petroleum Corporation.

Sinabi ni Communications Sec. Ricky Carandang, nais ng Siam Cement na gumagawa ng mariwasa tiles, na palawakin ang negosyo sa Pilipinas.

Maliban dito, balak din ng kompanya na mag-invest sa power sector.

Ang CP Group naman ay interesadong magtayo ng hog raising facility sa bansa dahil ang Pilipinas umano ay foot-and-mouth disease free.

Samantala, ang PPT Petroleum Corp. ay nais magnegosyo sa LPG industry.

Inimbitahan din umano ng pangulo ang PTT na magtayo ng CNG terminal para magsilbing refuelling station ng mga bus at taxi na gumagamit ng CNG.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply