Buwanang sahod sa bus drivers isinulong

ISINUSULONG ang buwanang sahod para sa mga pampublikong bus drivers at konduktor upang maibsan ang aksidente sa mga lansangan.

Ito ang nakapaloob sa House Bill 3370 o Bus Drivers and Conductors Compensation Act na inihain nina Bayan Muna Rep. Teddy Casino at Anakpawis Rep. Rafael Mariano.

Batay sa panukala, ang operators na may Certificate of Public Convinience (CPC) ay dapat na bayaran ang kanilang drivers at konduktor ng buwanang sahod  na hindi bababa sa minimum wage, benepisyo at incentives  na itinakda ng batas at dapat na ibigay kada ikalawang linggo ng buwan kung saan direktang iaabot sa drivers at konduktor.

Inaatasan din ang mga driver at konduktor sa mga kwalipikasyon at standards na itinakda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang masiguro na bihasa ang kanilang mga nakuhang empleyado.

Dapat din ay hindi lalampas sa walong oras ang kanilang pagmamaneho kasama na ang kanilang pagpapahinga, kailangan din mayroong dalawang shift at kahit na isang oras na pahinga kada-araw ng trabaho.

Kailangan ding magsumite ng Daily Time Record o trip report ang mga operators ang kanilang drivers/conductors upang mamonitor ang bilang ng kanilang biyahe at bilang ng oras ng byahe nila.

Ang mga lalabag sa batas ay magmumulta ng hindi bababa sa P100,000 at hindi lalampas ng P200,000 at suspensyon sa prangkisa hanggang sa makabayad ng back wages at karampatang benepisyo ang operators sa kanilang drivers at mga konduktor.

Ang paghahain ng panukala ay kasunod ng mga aksidente sa Commonwealth Avenue kung saan din namatay ang veteran journalist na si Chit Estrella-Simbulo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply