Buyers ng hijack na mga sasakyan natunton ng PNP

MULING nabawi ng isang businessman ang kanyang sasakyan dahil sa Global Positioning System (GPS) na nakakabit sa Wing Van na tinangay noong Huwebes ng madaling-araw ng apat na armadong lalaki sa Barangay Batino, Calamba Laguna.

Kasama ang mga pulis, nabawi ng may-ari ng sasakyan na si Samuel B. Orendain ang kanyang van sa loob ng bodega ng Anlud Metal Recycling Corporation na sinasabing pagmamay-ari ng isang Albert Dy, sa Daang Manunuso, Barangay Ibayo Tipas, Taguig City.

Batay sa sumbong na ipinarating ni Orendain kina Region 4 Director P/CSupt. Gil Meneses at Taguig Police Station Chief P/SSupt. Tomas Apolinario Jr., bandang alas 2:00 ng madaling-araw nang salakayin ng apat na armadong lalaki ang kanyang truck (UVE 465) na minamaneho ng kanyang driver na si Ramil Palmero, 20, kasama ang pahinante na si Marvin Serenio, 30, kapwa ng Old Sucat, Brgy. San Dionisio, Parañaque City.

Sinabi ni Orendain na dahil sa may nakakabit na tracking device sa kanyang sasakyan kaya natunton ng awtoridad ang lugar na pinagdalhan ng hijackers sa kanyang sasakyan na naipagbili sa Anlud Metal Recycling Corporation.

Samantala, sa panig naman ng Anlud Metal Recycling Corporation, sinabi ng kapatid ni Dy na handa umano silang makipagtulungan sa investigation procedures ng mga awtoridad upang matukoy ang hijackers at malansag ang modus operandi ng mga ito.

Bukod sa sasakyang nabawi ni Orendain ay natambad din sa loob ng warehouse ang iba pang behikulo na may mga plakang RFF442 at RHM869 na hinihinalang binili rin ng nasabing kompanya sa hijackers.

“Hijacking case solved and this is a very good accomplishment for us all as our joint operations with NCRPO operatives turned out well.” Ani P/CSupt.Meneses.

Dahil sa pangyayaring ito, ikinasa na ng Taguig Police Station ang mga angkop na hakbangin upang mahuli ang mga nakatakas na salarin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply