CA justice payag sa sex education

PABOR ang isang miyembro ng Court of Appeals (CA) sa isinusulong na panukalang sex education sa mababa at mataas na paaralan.

Sa panayam ng Judicial and Bar Council (JBC), naniniwala si CA Justice Magdangal de Leon, aspirante bilang susunod na mahistrado ng Korte Suprema, na mas mabisang magturo ng sex education ang mga guro kumpara sa mga magulang.

Naniniwala rin ang mahistrado na mas kabisado ng mga guro ang tamang terminong gagamitin sa pagtuturo ng sex education sa mga kabataan kumpara sa mga magulang.

Duda rin ang mahistrado kung ituturo ng mga magulang ang sex education sa kanilang mga anak.

Nakasalig naman aniya ang timing, method, rules at implementations ang magiging tagumpay ng naturang panukala sakaling matuloy na iimplemento ito.

Kabilang sa mga nakasalang ngayong araw sa public interview ng JBC sina: CA Justice Jose Reyes Jr., CA Justice Noel Tijam, Deputy Court Administrator Nimfa Vilches, businessman-laywer Rodolfo Robles, Laguna RTC Judge Marino Rubia at Free Legal Assistance Group founder and human rights advocate Pablito Sanidad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply