Café France target ang unang panalo

PUPUNTIRYAHIN ng Café France ang unang panalo sa Group B ng PBA D-League sa pagharap laban sa FCA Cultivators sa laro bukas (ngayon) ng makapananghali sa San Andres Gym, Ermita, Manila (?).

Ang wala pang panalong Café France (0-4) ay magtatangkang makaiwas sa elimination laban sa Cultivators (2-1) habang papalapit ang pagtatapos ng 1 round elimination. Susundan dakong alas-kuwatro ng hapon ang kalasan sa 3-2 win-loss card sa pagitan ng Blackwater Elite at ng PC Gilmore sa banggaan sa Group A.

Ipinalasap noong Miyerkoles ng Pacific Pipes ang ikatlong pagkatalo ng Pharex Bidang Generics 75-59 tungo sa 2-4 slate ng RnW sa grupo habang nagkasamasama sa Group B ang Cebuana Lhuillier, Cobra Energy Drink at ang Max! Bond Superglue kasunod ng panalo ng Sumos sa upset conscious na Junior Powerade Tigers sa score na 76-64.

Pare-parehong nasa tuktok ng Group B team standings ang tatlo na pawang tangan ang 3-1 win-loss slate.

Ang tremborate ng Sumos na sina Reil Cervantes, Rudy Lingganay at Jun-jun Cabatu at nagsibanat ng 17, 15 at 13 puntos ayon sa pagkakasunod-sunod na dinagdagan ng 12 ng anak ng ex-PBA Guard Alvin Teng na sumisikat na si Jeric.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply