Calbayog Mayor patay sa ambush

NASAWI ang alkalde ng Calbayog City makaraang ambsuhin ng hindi pa nakikilalang salarin kagabi sa Samar, Abril 30.

Ayon sa inisyal na report, namatay si Mayor Reynaldo Uy ng Calbayog City makaraang tambangan sa Hinabangan, Samar kasama ang ilang mga body guards nito bandang 9:30 kagabi.

Nabatid na kaagad na dinala sa pribadong hospital sa lungsod ng Tacloban ang alkalde ngunit nasawi rin ito.

Sa kasalukuyan ay blangko pa rin ang pulisya sa motibo ng pamamaslang.

Nakalagak ang mga labi ni Uy sa isang punerarya sa lungsod ng Tacloban.

Samantala, sugatan din ang board member ng Samar na si Eunice Babalkon at nasa pribadong pagamutan sa Tacloban.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login