Caloocan City Hall worker binaril sa ulo, kritikal

KRITIKAL ang isang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Caloocan City nang pagbabarilin ito ng dalawang holdaper na umagaw ng back pack na naglalaman ng payroll money Sabado ng hapon.

Ang biktima, na nakaratay at ginagamot sa Far Eastern Medical Center Quezon City sanhi ng tinamo niotng punglo ng baril sa kanang bahagi ng ulo ay nakilalang si Rommel Molas, 35, project foreman ng North Caloocan City Hall.

Agad inatasan ni Senior Supt. Jude Welson Santos ang mga tauhan na arestuhin ang dalawang suspek na kinilalang sina Jay R Tampol at Jhun Jhun Bolatao.

Sa imbestigasyon ni P02 Rhayan Rodriguez ng Station Investigation Division ng Caloocan City Police, dakong ala-singko ng hapon nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Everlasting St., Camarin, Caloocan City.

Sa naging pahayag ng mga saksing sina Cesar Lopez,  Leo Valdemor at Eugenio Ramirez, drayber ng tricycle na sinasakyan ng biktima, tinatahak nila kahabaan ng nabanggit na kalsada nang harangin sila ng mga suspek sakay ng isang motorsiklo.

Sapilitang kinuha umano ng mga suspek ang backpack ni Molas na naglalaman ng P400,000 na pangsweldo ng mga tauhan ng city hall.

Ayon sa ulat, nanlaban ang biktima kaya’t nagbunot ng baril ang mga suspek at agad pinaputukan nang malapitan si Molas sa kanang bahagi ng ulo.

Mabilis itong sumakay ng motorsiklo, habang ang biktima ay dinala sa pagamutan.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply