Camp Bagong Diwa sinugod ng kaanak ng Maguindanao massacre

NABALOT ng tensyon ang Camp Bagong Diwa sa Taguig matapos sumugod ang mga kamag-anak ng mga biktima ng Maguindanao massacre at igiit ang pag-inspeksyon sa selda ng mga suspek.

Una rito, nagpunta sa District Jail Campo Bagong Diwa ang mga kaanak ng mga biktima ng Maguindanao massacre upang alamin ang balitang hindi nakakulong ang mag-amang Ampatuan.

Una na ring ipinaalam ng mga kaanak ng biktima ng masaker kina BJMP Director Rosendo Dial at DILG Sec. Jesse Robredo ang kanilang hinala nang hindi sila papasukin ng jail guards ng BJMP na nagresulta rin ng kaguluhan.

Ang pagsugod ng mga kaanak ng biktima ng masaker ay kasundo ng pagsiwalat ni Maguindanao Gov. Esmael Mangudadatu hinggil sa special treatment ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa mga Ampatuan.

Kabilang sa mga ito ang 38 larawan na kuha sa loob ng detention facility.

Sa isang picture, makikita si Andal Ampatuan, Sr. na nakaupo sa labas ng kanyang detention cell at may katabing babae na
may hawak-hawak na cellphone.

Makikita rin sa ibang larawan ang pagpasok ng ilang sports utility vehicles sa loob ng compound.

Ayon pa kay Mangudadatu, maliban sa mga larawan, may hawak din umano itong mga video footages na magpapatunay na may special treatment na ibinibigay sa Ampatuans.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply