Cargo vessel pinasadsad ni ‘Chedeng’

DAHIL sa lakas ng hangin dulot ng bagyong “Chedeng”, naputol ang makapal na lubid ng isang domestic cargo vessel habang nakaatraka ito sa pier ng Basco, Batanes nitong Sabado ng madaling araw, Mayo 28.

Ayon sa ulat na ipinarating ni Capt. Jorge Usadia, Jr. ng Philippine Coast Guard (PCG), dakong 3:15 ng madaling araw nang sumadsad ang MV JAL Victoria sa  shoreline ng pier sa Basco, Batanes.

Nabatid sa report ng PCG, naputol umano ang makapal na lubid kaya ito sumadsad at napag-alaman sa ulat na ligtas naman ang 18 crew nito.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng PCG na nabutas ang engine room ng nasabing barko na kung saan ay naroroon ang tanke na naglalaman ng 6,000 litro ng diesel.

Gayunman, patuloy na binabantayan ng mga awtoridad ang nasabing barko upang maiwasan ang pangambang magka oil spill sa lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply