Catanduanes isusunod ni ‘Bebeng’

NAKATAKDANG mag-landfall ngayong araw, Mayo 8, ang tropical storm Bebeng sa lalawigan ng Catanduanes.

Ayon kay forecaster Connie Rose Dadipas, inaasahang magla-landfall ang nasabing sama ng panahon bago magtanghali.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 40 kilometro sa timog silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 85 kilometro kada oras malapit sa gitna, habang may pagbugso ng hangin na aabot ng 100 kilometro bawat oras.

Kumikilos ito ng pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 13 kilometro kada oras.

Samantala, nakataas ang signal number 2 sa mga lugar ng Sorsogon, Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Polilio Island, Quezon, Burias Island, Ticao Island at Northern Samar.

Habang signal number 1 sa Masbate, Marinduque, Romblon, Laguna, Rizal, Bulacan, Nueva Ecija, Nueva Viscaya, Quirino, Aurora, Isabela, Eastern Samar, Western Samar at Biliran.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply