Cayetano dismayado sa bersyon ng FOI bill ng Palasyo

DISMAYADO si Senador Alan Peter Cayetano sa pagkakaroon ng sariling bersyon ng Freedom of Information Bill (FOI bill) ng Malakanyang.

Ayon kay Cayetano, nakarating umano sa kanyang kaalaman na hindi ipaprayoridad ng Malakanyang ang pag-apruba sa FOI bill kung hindi umano masusunod ang kanilang bersyon.

Nangangamba si Cayetano na kung igigiit ng Malakanyang na isulong ang kanilang bersyon baka mawala ang pinakamahalagang nilalaman ng FOI bill, ang transparency sa anumang transaksyon na pinapasok ng gobyerno kabilang na mismo sa Ehekutibo.

Kaya’t hiniling ni Cayetano kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino ang agarang pagpupulong ng Ehekutibo at Kongreso upang pag-usapan ang pagpasa sa FOI bill.

“Yung FOI bill, ang nagiging stand ng Malacañang ay may version sila at para nga dati na kung hindi masusunod ang version nila ay hindi ito magiging priority. Pero ang tingin ko, dapat mag-work together ang Malacañang at ang Congress as soon as possible time para maipasa na kaagad,” ani  Cayetano

Hinamon din ni Cayetano si Pangulong Aquino na kung talagang seryoso ito sa kampanya laban sa korupsyon sa gobyerno, hindi dapat ipagwalang bahala ang pagpapatawag nito ng pagpupulong.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply