CBCP: Child labor dapat bigyang pansin

DAPAT umanong bigyan ng pamahalaan ng pagkakakitaan ang mga mahihirap na magulang, upang maialis ng mga ito ang kanilang mga anak sa mga kalsada at maiwasan ang child labor.

Ayon kay Fr. Edwin Gariguez, executive director ng Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), dapat na tugunan ng pamahalaan ang problema ng bansa sa child labor sa pamamagitan nang pagkakaloob ng income-generating activities sa mga mahihirap na magulang.

Sa ganitong paraan aniya ay magkakaroon ng kakayahan ang mga magulang na masuportahan ang kanilang mga anak at hindi na hayaang magtrabaho ang mga ito sa lansangan sa kabila ng kanilang murang edad.

Naniniwala si Gariguez na ang presensiya ng mga batang lansangan sa mga lokalidad ay isang hamon sa national government, local government units (LGUs) at mga parokya.

Iginiit ng CBCP official na ang mga paslit ay hindi pa dapat na pinagtatrabaho at sa halip ay dapat na hinahayaang ma-enjoy ng mga ito ang kanilang kabataan at mabigyan ng pagkakataon na makapaglaro at makapag-aral.

Umaasa naman si Gariguez na makakabilang din ang child labor sa mga problema sa paggawa na tututukan ng pansin ng pamahalaan. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply