Ceasefire sa tuition increase isinulong

MAHIGPIT na tinutulan ng isang kongresista ang pag-apruba ng Commission on Higher Edcuation (CHED) ng tuition hike sa 282 na kolehiyo at unibersidad sa bansa simula ngayong Hunyo.

Ikinagulat din ni Bayan Muna Rep. Teddy Casino ang rebelasyon ng CHED na sa loob ng nakalipas na 10 taon ay doble ang itinaas ng matrikula sa mga kolehiyo at unibersidad.

Dahil dito, nanawagan si Casino sa mga kasama sa Kamara de Representantes na sugpuin ang hindi makatarungang pagtataas ng matrikula sa pamamagitan ng pagpasa ng panukalang tumutugon dito.

“I hope that the House can immediately deliberate House Bill 1961, a measure that will regulate tuition and other fees, that has been pending with the Committee on Higher and Technical Education since August 2010.”

Paliwanag pa ng kongresista na ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng “education pre-need industry”, kabilang ang pagsuspinde ng Government Service Insurance System (GSIS) sa education insurance program nito, ay sanhi ng mabilis na pagtaas sa matrikula dahil sa deregulasyon ng sektor ng edukasyon noong dekada ’80.

Sususugan ng HB 1961 ang Section 42 ng Batas Pambansa 232, na nagbigay-daan sa malabis na pagtataas sa matrikula simula noong 1982.

Nakapaloob din dito ang pagpapataw ng kaparusahan sa mga paaralang hindi tutupad sa kautusang ito at ang paglikha sa private school fee regulatory board, na siyang titingin o susuri kung eksakto o labis ang pagtataas ng matrikula sa elementary, sekondarya at kolehiyo.

Nakapaloob sa panukala na ang 70 porsiyento ng itinaas sa tuition fee ay ilalaan sa sweldo, allowances at iba pang benepisyo ng mga guro; ang 20 porsiyento ay para sa pagpapaayos at modernisasyon ng paaralan kabilang ang libraries, laboratories at gymnasiums, at ang 10 porsiyento ay maituturing na “return on investments”.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply