Celtics tatapusin ng Heat

NANGANGANIB nang mapatalsik ang Boston Celtics sa NBA playoffs matapos matalo na naman ng Miami Heat kahapon, 98-90.

Si LeBron James ay umiskor ng 35 points at nakahablot ng 14 rebounds para giyahan ang grupo tungo sa panalo.

Kasabay nito, si Dwyane Wade naman ay kumana ng 28 taglay ang 9 rebounds habang si Chris Bosh ay nakadale ng 20 points at 12 rebounds para sa Heat.

Kaya naman ay lamang na sila ngayon sa best-of-seven Eastern Conference second-round series.

Bukas ang susunod na laban at idaraos ito sa bakuran ng Heat na maaaring magpatalsik sa defending Eastern Conference champions.

Ang mananalo sa series ay haharap naman sa Chicago o Atlanta sa Eastern Conference finals para magkaroon ng tsansa para makasagupa naman ang West tungo sa kampeonato.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply