Cessna plane bumulusok sa Pangasinan

BUMULUSOK pababa makaraang mawalan ng preno ang 1-RP-C22845A Cessna airplane sa runway ng Lingayen Airport sa Brgy. Libsong West, Lingayen, Pangasinan.

Nabatid na nagtamo lamang ng sugat at gasgas sa kanyang katawan ang piloto ng light plane na si Kang Gaylani, isang Indian national at student pilot ng Flyfast Flying School, na pansamantalang nanunuluyan sa Alvear II, Brgy. Libsong, West Lingayen.

Batay sa ulat ng Lingayen PNP, kasama ng student pilot ang kanyang pilot instructor bandang 6:30 ng umaga kung saan nagsasagawa sila ng pagsasanay at iba’t ibang pattern activities sa paglipad sa nasabing eroplano.

Binigyan ng naturang instructor ng pagkakataon na paliparin ni Gaylani ang light plane nang mag-isa kung saan sa ikatlong pag-arangkada ng eroplano ay nawalan ng preno.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng sariling imbestigasyon ang Flyfast Flying School upang iulat sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply