Charter Change bubuhayin ng House

PASISIMULAN ng House committee on constitutional amendments ang konsultasyon at kampanya para sa Charter change o Cha-cha.

Ani Misamis Occidental Rep. Loreto Ocampos, chairman ng komite, nakatakdang isagawa ang unang pambansang konsultasyon sa darating na Mayo 27 sa Cagayan de Oro City.

Ipinaliwanag ni Ocampos na mayroon silang mga sapat na batayan upang amyendahan ang Saligang Batas, tulad ng dapat na magkaroon ng reporma sa ekonomiya, hudikatura, form of government at local government units.

Kung tatagal pa aniya hanggang sa susunod na taon ay pagdududahan na ito ng taumbayan dahil magkakaroon na ng eleksyon sa 2013.

Ang mga kongresista naman aniya ay naghihintay na rin ng hudyat mula sa Malakanyang kung paano isusulong ang Cha-cha matapos ihayag ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kamakailan na bukas siya sa ideya ng Cha-cha.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply