ChaCha na naman

NAG-OOPEREYT ang pamahalaan ni Pnoy sa sistemang pinaniniwalaan nilang epektib sa pagsolb sa mga suliranin ni Juan.

Presidential system ang tawag dito.

Kung hindi korap ang Presidente, hindi maghihirap si Juan, sabi.

Siyempre pa,  kahirapan ang namber wan problema ni Juan. Swak na swak ang sistema ni Pnoy para kay Juan.

oOo

Pero hindi pa nag-iinit ang wetpu ni Pnoy sa kanyang puwesto na El Presidente, at panay simula pa lang ang lahat, nag-iingay na nang parang palaka ang ilang kongresman para retokihin ang sistema sa pamamagitan ng Charter Change.

May babaguhin umano sila sa ekonomiya, sa hukuman, anyo ng pamahalaan at pamahalaang lokal.

Ang ilang pagbabago sa ekonomiya, eh, hahayaan ang mga dayuhan na mag-angkin ng mga lupa at mag-may-ari ng 100 porsiyento sa kahit anong negosyo sa repablik ni Juan. Bawal kasing magkaroon ng sariling lupa ang mga dayuhan at sa negosyo, dapat 40% lang na sosyo ang sa kanila at 60% ang kay Juan.

Hindi kaya lalong lalala ang kalagayan ng mga iskwater at mang-aabuso ang mga dayuhan gaya ng mga kompanya ng langis?

oOo

Sistemang parliamentaryo naman ang paiiralin na anyo ng gobyerno at mawawala na sa poder
ang katulad ni Pnoy.

Punong Ministro ang ipapalit sa Presidente na ihahalal lang ng mga ministro o maaari pa
ring ihalal ng lahi ni Juan.

Ang punto rito, kung hindi natin mababantayan ay baka hindi patapusin si Pnoy sa kanyang termino.

Tutal karamihan naman ng kanyang mga kasangga sa Palasyo ay nagsasabing wala silang magagawa sa napakarami at mahahalagang bagay na nagpapahirap kay Juan?

Sa sistemang ito, hindi na magiging uso ang islogan ni Pnoy na kung walang korap, walang mahirap! Belat niyo!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply