‘Chalk allowance’ ng mga guro dagdagan

“DAGDAGAN ang ‘chalk allowance’ ng mga guro.”

Ito ang panawagan ni Rep. Antnonio Tinio ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Partylist.

Ayon sa kanya, matagal nang nag-aabono ang mga guro sa pagbili ng chalk at iba pang materyales na ginagamit sa pagtuturo gaya ng erasers, pens, pencils, notebooks, class records, Manila paper, cartolina, bond paper, art paper at iba pa.

Aniya, taun-taon, may alokasyon ang Department of Education (DepEd) sa bawat classroom na P700. Naniniwala si Tinio hindi ito sapat kaya naman isinusulong niya na itaas ito sa P2,000.

Sinabi ng mambabatas, ang “chalk allowance” ng isang guro kada isang araw para sa P700 taun-taon ay nasa P3.50. Dahil sa hindi ito sapat ang P700, napipilitang maglabas ng sariling pera ang mga guro para ipambili ng mga pangangailangan sa silid-aralan.

Dahil dito, hinimok ni Tinio ang mga kasamahang kongresista na agad ipasa ang House Bill 4134.

Layunin ng HB 4134 o Teaching Supplies Allowance Act of 2011 na madagdagan ang taunang allowance ng bawat classroom na kasalukuyang nasa P700 ay gawing P2,000 (P9.85 kada araw).

Nilinaw din ni Tinio na ito ay dapat ipamahagi sa mga guro lamang. “The Teaching Supplies Allowance shall be paid only to classroom teachers,” sabi ni Tinio.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply