Charice handa na sa pagkanta ng nat’l anthem

BUKOD sa pinanabikang laban nina pound-for-pound king Manny “Pacman” Pacquiao at 5-time Sugar Shane Mosley, inaabangan rin ng buong mundo ang pagkanta ni international singing sensation Charice Pempengco.

Matatandaang pinili ng Pambansang Kamao si Charice na siyang kakanta ng Pambansang Awit para sa kanyang laban sa MGM Grand sa Las Vegas kontra kay Mosley.

Nakasanayan na ng mga boxing fans na panoorin at punahin ang ginagawang pagkanta ng mga singer sa kani-kanilang national anthem bago magsimula ang boksing.

Subalit dahil sikat na sikat sa buong mundo, ang pagkanta at pagbirit ni Charice sa pagkanta ng Lupang Hinirang ay siguradong pagkakaguluhan din ng fans.

Ayon kay Charice, kabado siya subalit handang-handa na para sa pagkanta sa pambansang awit na Lupang Hinirang sa laban ni Pacquiao.

Sinabi niya na kakantahin niya sa tamang rendition at tempo ang Lupang Hinirang upang hindi siya punahin ng National Historical Institute na siguradong magbabantay sa pagkanta niya.

Inamin niya na nag-ensayo siya ng husto para sa natatanging araw na ito na inaasahang panonoorin ng buong mundo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply