Chedeng banta sa Fukushima plant

ISANG malaking banta sa Fukushima plant sa Japan ang paparating na bagyong Chedeng (international code name “Songda”) , ayon sa Tokyo Electric Power (TEPCO)

Ayon sa TEPCO, nangangamba silang magdulot ng radioactive material ang tropical storm Songda na inaasahang magla-landfall bukas bagama’t wala pang kasiguraduhan na sa kanila ang sentro ng bagyo.

“Some reactor buildings were uncovered, prompting fears the storm may carry radioactive material into the air and sea,” pahayag ng TEPCO official.”We have made utmost efforts, but we have not completed covering the damaged reactor buildings. We apologise for the lack of significant measures against wind and rain.”

Samantala, inamin naman ng mga opisyal ng Japan na hindi pa sila handa sa pagdating ng bagyong Chedeng sa kanilang bansa.

Ngunit tiniyak naman ng special adviser ni Prime Minister Naoto Kan na si Goshi Hosono na ginagawa na nila ang lahat ng safety measures upang mapigilan ang pagkalat ng radioactive materials.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply