‘Chedeng’ daplis lang sa PHL; Batanes signal No. 2

TULUYAN nang lumihis ang bagyong “Chedeng” sa Pilipinas.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), hindi na ito magla-landfall sa bansa at patungo na ito sa Japan.

Gayunpaman, nananatili pa ring nakataas na public storm signals sa ilang bahagi ng bansa dahil sa lawak ng sakop ng bagyo.

Nakataas ang signal No. 2 sa Batanes Group of Islands, samantalang signal No. 1 sa Cagayan, Calayan Group of Islands, Babuyan Group of Islands, Isabela, Quirino, Aurora, Northern Quezon at Polillo Island.

Lalong lumalakas ang naturang bagyo na mayroong lakas ng hanging umaabot sa 195 kilometro kada oras at may pagbugsong hanggang 230 kilometro kada oras.

Kinumpirma ni Science and Technology Undersecretary Graciano Yumul na mananatiling magiging basa ang Kamaynilaan at maraming bahagi ng Hilagang Luzon bunsod umano ng dalang ulan ni Chedeng.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply