Chedeng lalong lumakas, lumiko

LALONG lumakas ang bagyong Chedeng ayon sa huling weather bulletin ng PAGASA.

Ayon sa PAGASA, lumihis din ang naturang bagyo at tinutumbok na ngayon ang Aparri, Cagayan.

Naunanang nagpahayag si DOST Usec. Graciano Yumul na tutumbukin ng bagyo ang Aurora at Isabela area subalit nagbago ang direksiyon nito.

Bitbit ni Chedeng ang lakas ng hangin na 160 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong 190 kilometro kada oras.

Nakataas ang signal no. 2 sa mga lalawigan ng Catanduanes, Sorsogon, Albay, Camarines Sur, Camarines Norte at Samar Provinces.

Nasa signal no. 1 naman ang mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Quirino, Aurora, Quezon, Polillo Island, Marinduque, Burias Island, Ticao Island, Masbate, Northern Leyte at Biliran Island.

Nabatid na kung hindi magbabago ang tinatahak ni Chedeng ay magla-landfall ito madaling araw ng Sabado sa Aparri, Cagayan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply