‘Chedeng’ lumihis, hindi na tatama sa bansa

HINDI na makapananalasa ang super typhoon “Chedeng” (Songda) dahil bigla itong kumilos sa direksyon ng parteng hilagang-kanluran ng bansa at hindi na ito dadapo pa sa teritoryo ng Pilipinas, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Base sa latest projection ng Pagasa kahapon ng umaga, kumikilos ang “Chedeng” pa-hilaga patungong eastern seaboard ng Northern Luzon, pahayag ni Pagasa weather forecaster Jun Galang.

Ang bagyo ay inaasahang kikilos palayo ng Philippine Area of Responsibility sa Linggo ng umaga.

Dakong alas-onse ng umaga, kumikilos ang bagyong Chedeng sa bilis na 12 kilometers per hour (kph) sa direksyon ng hilagang-kanluran at ang epicenter nito ay nasa 230 kilometro hilaga-silangan ng Virac, Catanduanes, pahayag pa ng Pagasa.

Sinabi pa ni Galang na ang forecast ng typhoon Chedeng ay base sa data na oras-oras na ipinadala sa Pagasa weather forecasting center.

Lumabas din sa projections ng Pagasa, aniya, na ang bagyo ay hindi na babalik sa bansa.

Gayunman pa man, makararanas pa rin ang mga residente ng Northern Luzon ng malakas na pagbuhos ng ulan.

Nananatili namang nakataas ang signal number 2 sa Catanduanes at Camarines Sur.

Samantala, ang mga sumusunod na probinsiya ay nasa ilalam pa rin ng signal number 1 tulad ng Cagayan, Isabela, Quirino, Aurora, Quezon, Polilio Islands, Camarines Norte, Albay, Sorsogon, Marinduque, Burias Island, Ticao Island, Biliran Island.

Pinaalalahanan ng Pagasa ang mga residente ng Northeastern Luzon, partikular ang Cagayan-Aparri area, na maging alerto laban sa posibleng pagragasa ng flash floods at landslides.

Kaugnay nito, binatikos naman ng publiko ang prediksyon ng Pagasa dahil hindi magkapareho o conflict ito sa international weather bureau, kaya pinagdudahan ang kredibilidad ng kanilang pamamaraan.

Iniulat na ng Japan Meteorological Agency noong nakaraang Miyerkules na ang bagyong “Chedeng” ay hindi na tatama ng lupa pero sisilip ng kaunti sa Luzon’s east coast.

Sinabi pa ni Galang na ang ginagamit ng isa pang weather agencies ay numerical models para malaman ang kinaroronan ng bagyo, habang ang Pagasa naman ay gumagamit ng “observed data” na dala mula sa kanilang instrumento sa kabuuan ng bansa sa kanilang weather forecasting center.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply