‘Chedeng’ malaking banta pa rin

ISA PA RING banta ang “supertyphoon” na si “Chedeng” kahit na ipinahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na papalayo na ito ng Pilipinas.

Batay sa pahayag ni Science and Technology Undersecretary Graciano Yumul, patuloy pa rin sa paglakas ang nasabing sama ng panahon sa nakalipas na 48 oras.

Aniya, ito ay isang indikasyon ng posibilidad na maging napakalakas pa nito sa mga susunod na araw.

Samantala, nilinaw naman ng Pagasa na napakaliit na ng posibilidad na magbabalik pa si Chedeng sa bansa dahil papalayo na ang direksyon nito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply