‘Chedeng’ tinutumbok na ang Aurora, Isabela

MALAKAS pa rin ang bagyong si Chedeng habang bahagya itong bumilis.

Sa huling forecast ng PAGASA, tinatayang nasa 210 kilometers ang bagyo ng Catarman, Northern Samar at nasa 15 kilometro ang bilis nito bawat oras mula sa dating siyam na kilometro.

Ayon kay Buddy Javier, Pagasa weather forecaster, meron itong lakas ng hangin na umaabot sa 130 kilometers bawat oras malapit sa gitna at merong pagbugso ng hangin na umaabot sa 160 kilometers kada oras.

Nauna nang nagbago ang direksiyon ng bagyo na bahagyang paakyat o northwest ang direksyon patungong Aurora, Isabela area.

Aniya, habang papataas si “Chedeng” ay pinag-iibayo nito ang habagat kung kaya nararanasan ang mga pag-ulan sa western side ng Visayas area.

Maging ang Souther Luzon at Metro Manila ay hagip din sa lawak ng diameter ng bagyo.

Samantala, itinaas na sa signal number 2 ang Catanduanes, Sorsogon, Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, at ang tatlong Probinsya ng Samar.

Nadagdagan naman ang mga lugar na nasa signal number one kung saan kasama na rin ang lalawigan ng Quezon, katulad ng Aurora. Nasa signal number one rin Marinduque, Masbate, Burias island, Northern Leyte, Biliran island at Polilio island.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply