Chemical firm kinasuhan na ng Customs

KINASUHAN na ng Bureau of Customs (BoC) ang mga opisyal ng Cleveland Industries, Inc., isang kilalang chemical provider, dahil sa hindi pagbabayad ng tamang duties and taxes para sa kanilang mga binibiling produkto mula sa ibayong dagat.

Kabilang sa mga inireklamo sa Department of Justice (DoJ) sina Joana Soat Ing, presidente ng kompanya at Anderson Angelo Tang Sy, purchasing manager.

Batay sa datos ng BoC, umaabot sa P170,228.451 million ang bayarin ng nasabing kompaniya na hindi nabayaran sa gobyerno.

Laman ng mga kinuwestyong transaksyon sa DoJ ang importation ng Cleveland mula 2009 hanggang 2011.

Ayon kay Customs deputy commissioner Gregorio Chavez, P1,491,492 lamang ang binayaran ng chemical firm sa kabila ng dapat sana ay P4,357,096 para sa duties at ang value added tax na P18,943,386 ay P6,930.058 lamang ang nabayaran.

Kung susumahin umano ito sa loob ng dalawang taon ay aabot ng P170 million ang dapat panagutan ng kompanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply