Children’s playground ginagawang golf course

IYONG Children’s Playground daw sa I.V.C. Marikina City, sa halip na palaruan ng mga bata, ay  ginagawang laruan ng GOLF ng mga taong nakatira roon.

Bakit pinapayagan ito ng lokal na pamahalaan ng Marikina at yung barangay na nakasasakop sa lugar?

Tuwing umaga raw  naglalaro ng GOLF ang mga tao rito.

Minsan habang naglalaro daw ng GOLF ang mga tao rito ay may tinamaan ng bola ng golf ang isang bata.

Ipinaabot na raw ng isang concerned citizen ang karaingan ng mga residente rito  kay Mayor Del de Guzman pero wala raw siyang aksyon.

Mayor De Guzman, pakiaksyunan naman ninyo ang reklamo ng mga tao.

Basahin ninyo ang nilala-man ng reklamo sa text message.

Sir Johnny, nais kong ipaabot sa kinauukulan sa pamamagitan ng diaryo ninyo na rito  sa I.V.C Marikina City,  ang Children’s Playground  ay may mga tao na pumupunta  rito tuwing umaga.

Naglalaro sila ng GOLF. Minsan ay may tinamaan na ritong bata. Ipinaaabot ko na kay

Mayor Del de Guzman pero wala siyang aksyon. Sana ay isulat ninyo ito sa kolum ninyo para  matigil na ito. Dapat po bang haluan ng ganyang laro  ang playground ng mga bata? Ang larong ito ay mini-golf, napakatigas ng bola. Salamat po.

CLUB, SAUNA PADER KAY PAPA MAYOR

Patuloy pa rin daw ang pagpapalabas ng bold show at ginagawa pa ring front ng prostitution ang Queen Chamber Disco (formerly Queen Castle) at ang sister company nitong Imperial Sauna Health Palace sa Quezon Avenue, QC.

Hindi man lang daw natinag ang mga nasabing ba-hay-aliwan dahil wala raw ipinagmamalaki ang may-ari nito kundi protektado sila ni “Papa Mayor” ni Mayor Herbert “Mura” Bautista.

Ano ba yan, meyor?

oOo

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 09189274764,09266719269 o e-mail sa juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply