China dapat ireklamo ng PH sa UN -Miriam

HINDI dapat maduwag ang Pilipinas sa pagpapakita ng China ng puwersa sa pinag-aagawang Spratly Islands sa South China Sea, ayon sa isang senador.

Ayon kay Sen. Loren Legarda, chairperson ng senate committee on foreign relations, dapat magmatigas si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at ipagtanggol ang soberenya ng bansa.

Hinikayat naman ni Sen. Miriam Defensor-Santiago maghain ang pamahalaan ng protesta sa United Nations (UN) laban sa paghahari-harian ng China sa Spratlys.

Sinabi ni Santiago na malakas ang loob ng nasabing bansa dahil alam nitong walang laban ang Pilipinas, at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay wala ni isang radar sa pagbabantay ng pinag-aagawang teritoryo.

Para naman kay Sen. Gregorio “Gringo” Honasan, hindi na imbes makipagmatigasan ang Pilipinas sa China, dapat mag-usap na lamang ang mga gobyerno ng dalawang bansa at magkasundong magsagawa na lamang ng joint development and exploration sa grupo ng mga isla.

Kamakailan ay nagpalipad ang China umano ng dalawang jet fighter sa Spratlys. Nauna rito ay tinakot ng Chinese navy ang exploration vessel ng Department of Energy sa Reed Bank malapit sa Palawan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply