Chinese businessman pinagbabaril sa OTB

BINARIL at napatay ang isang negosyanteng Chinese national ng dalawang ‘di pa nakikilalang lalaki sa loob ng OTB Resto Bar habang nanonood ng karera ng kabayo Biyernes ng gabi, Mayo 27, sa Caloocan City.

Dead on arrival sa Quezon City General Hospital (QCGH) ang biktimang si Alexander Lim Chua, 53, sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng .45 sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Patuloy namang nakalalaya ang ‘di pa nakikilalang mga salarin na kapwa tumakas matapo  maisakatuparan ang krimen.

Dakong alas-9:00 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa loob ng Buenamar OTB Resto Bar na matatagpuan sa Diamond Road, Barangay Kaybiga ng nasabing lungsod.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang nasabing pamamaril upang maaresto ang mga suspek at papanagutin sa naturang krimen. Merly Iral

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply