Chiz naaksidente sa QC

NAAKSIDENTE si Sen. Francis “Chiz” Escudero sa Cubao, Quezon City Huwebes ng gabi nang banggain ng isang sasakyan ang minamaneho nitong kotse.

Bahagyang nasugatan sa kamay si Sen. Escudero, 41, at nasugatan din ang driver ng kabilang sasakyan na si Manuel Merrilles, 36.

Sa imbistigasyon ni PO3 Perlito Datu, imbestigador ng Quezon City Traffic Enforcement Unit (QCTEU) ng  Sector 4, ang insidente ay naganap bandang  9:30 ng gabi sa may Maryland St., Barangay Pinagkaisahan, Cubao.

Minamaneho umano ng senador ang kanyang Lexus na sports utility vehicle (SUV)  na may plakang ZNY-950 nang makabanggaan nito ang isang Kia KC van na may plakang  ZRD-450 at  minamaneho naman ni Merrilles.

Sinasabing mag-isa lang ang Senador sa kanyang minamanehong sasakyan ng banggain umano ng van ng The Lord’s Church.

Ayon kay Datu, abugado sa abugado umano ang nag-usap at kapwa isinuko ang driver’s license ng senador at ng drayber ng van.

Nauwi rin umano sa aregulahn ang nasabing insidente matapos iurong ng kapwa panig ang kanilang mga reklamo.

Ayon kay Atty. Roland P. Tan, chief of staff ni Escudero, nabangga ng ‘di pa nakikilalang driver ang sasakyan ni Escudero habang tinatahak nito ang daan patungo sa kanyang tahanan sa Quezon City.

“Fortunately, Senator Escudero did not suffer any injuries and was even able to call us, his staff, to assist the passengers and the driver of the other car,” ayon kay Tan.

Mabilis na dinala ng kanyang staff ang mga pasahero ng nakabanggaang sasakyan sa St. Luke’s Hospital sa Quezon City upang matiyak na mabigyan ito ng atensiyong medikal.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply