Chop-chop body ikinahon sa Cagayan de Oro

CAGAYAN DE ORO CITY— Mga pira-pirasong bahagi ng katawan at buto ng tao na nakasilid sa apat na karton ang natagpuan ng bomb squad ng Explosive and Ordnance Division (EOD) at Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa isang barangay dito.

Hindi direktang sinabi ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) kung paano natagpuan ang karton na naglalaman ng pira-pirasong bahagi ng katawan at buto ng tao.

Nabatid na natagpuan ng operatiba ng EOD at SOCO ang kahon habang rumesponde sa isang aksidente sa daan sa Barangay Camaman-an.

Hinihinalang ang mga ito ay pinag-ekspirementuhan ng mga medical students ng isang pribadong unibersidad dahil balot sa formalin ang mga bahagi ng katawan ng tao.

“Duda ko ginagamit ito ng mga medical students. Naka-preserve lahat e, parang may formalin,” ayon kay Insp. Joel Lee, isang operatiba ng SOCO.

Gayunpaman ay iniimbestigahan na ang nasabing insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply