Church-people power ikakasa vs RH bill

NAGBABALA ang isang arsobispo ng Simbahang Katoliko hinggil sa pagsiklab ng panibagong people power sa bansa kung tuluyang maisasabatas ang Reproductive Health (RH) bill.

Kaagad namang nilinaw ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na isa lamang ang pagpapasa sa RH bill sa mga dahilan kung bakit maraming grupo ang hindi nasisiyahan sa pamamalakad ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Ayon kay Cruz, may tatlong grupo na nagmu-monitor sa mga ginagawa ng Pangulo.

May iba-iba umanong plano ang mga ito, ngunit may isang pagkakapareho, ito ay ang pag-ayaw nila sa kasalukuyang pamahalaan.

“This (RH bill) is not only the issue against him, this is just one of those. Before it was even discuss marami ng tao ang nagsabi, ano ba naman to? Where are we? So, this is just one of those reasons that disappoint and frustrate people. And it is becoming more and more. They are not becoming less,” ayon kay Cruz, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

“Tatlo iyong grupo na yan, ewan ko kung bakit ko naman nalalaman. Sa tingin ko alam din nila yan. Bagama’t iba-iba ang kanilang hangarin. Iba-iba ang kanilang plano pero iisa ang nagdudugtong sa kanila. Ayaw nila sa pamahalaang ito,” ani Cruz.

Dismayado umano ang mga naturang grupo sa uri ng pamamalakad ni Pangulong Aqunio, at posibleng naghihintay lamang ang mga ito ng ‘right timing’ para tuluyang gumawa ng hakbang at pabagsakin ang kasalukuyang administrasyon.

Maging si Cruz ay aminadong dismayado dahil sa wala naman aniyang nagaganap na pagbabago sa bansa buhat ng maupo sa puwesto ang pangulong Aquino.

“Ang sabi ko lamang this is not the only issue. This is just one of those issues. Pero halos lahat naman ay major issues.  Wala, wala, we are as before. Ganito na lamang ba tayo? Edsa1, Edsa 2, then back to normal. It’s the same, kailangan bang ganito na lang lagi. Wala na ba tayong pwedeng gawin para magbago?  This is not the question na baguhin ang gobyerno. Ilang beses na natin binago ang gobyerno pero pareho din,” dagdag pa ni Cruz.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply