Cloning gagamitin laban sa baha, kagutuman

GAGAMITIN ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) ang cloning upang makapagprodyus ng mga tree seedlings at pagkain upang labanan ang landslides, baha at kagutuman.

Ang nasabing programa ay bahagi ng National Greening Program (NGP).

Ayon kay Environment Secretary Ramon Paje, matapos i-establisa ni Pangulong Benigno Aquino III ang Executive Order No. 26 noong Pebrero ay  ang National Convergence Initiative (NCI) na ang nanguna dito kasama ang Department of Environment and NAtural Resources (DENR), the Department of Agriculture (DA) at Department of Agrarian Reform (DAR.)

Pamumunuan umano ito ni Paje at aagapayan naman nina Agriculture Secretary Proceso Alcala at Agrarian Secretary Virgilio de los Reyes.

Sa tulong ng mga UPLB scientist, gagamitin nila ang cloning techniques at tissue culture upang paramihin ang materyales na kailangan ng NGP, upang makapagtanim ng 1.5 biyong puno sa 1.5 milyong ektarya ng pampublikong lupain sa loob ng anim na taon.

Kinumpirma ni Chancellor Dr. Luis Rey Velasco na minamadali ng UPLB ang pagpili ng mga indigenous species para sa programa upang mabilisang maparami ito at magamit agad ang teknolohiya para sa malawakang pagtatanim sa nakakalbong gubat.

Ilan sa mga klase ng punong gagamitin ng UPLB ay mga punong namumunga kung saan gagamitan din nila ng biofertilizers.

Magtatanim din sila ng penus, dipterocarps, alnus, casuaria, acacia at eucalyptus dahil maganda ang mga punong ito bilang panangga sa baha.

Bahagi rin ng nasabing programa ang malawakang pagtatanim sa mga lugar na nakakalbo na ang gubat upang kumita ang mga naninirahan doon at iba pang NGP participants.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply