COA resident auditor sa AFP pinababaklas ni Trillanes

MAIPATUTUPAD lamang ang repormang isinasagawa ng bagong liderato ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) kung babaklasin ng Commission on Audit COA) ang lahat ng resident auditor sa lahat ng sangay ng militar.

Ganito ang paniniwala ni Sen. Antonio Trillanes IV matapos kalampagin ang Senate committee on finance na magsagawa kaagad ng deliberasyon sa Senate Resolution No. 390 na naglalayong balasahin ang COA dahil matagal nang nakabinbin ang panukala.

Sa panayam, sinabi ni Trillanes na ilan sa pamamaraan sa pagsugpo ng katiwalian sa AFP kundi pagbabaklas sa resident auditor na pangkaraniwang nagiging kakuntsaba ng matataas na opisyal upang mangurakot sa militar.

Iminungkahi ni Trillanes na dapat ibalik sa district COA office ang pagtutuos sa gastusin ng partikular na sangay ng AFP upang hindi magkaroon ng sabwatan ng opisyal ng AFP at COA auditor tulad nang nangyari sa pangungulimbat ni dating AFP comptroller Carlos Garcia.

Sinabi pa ni Trillanes na puwede din umanong magkaroon ng raffle system sa hanay ng mga auditor ng COA kung sino ang mapipiling magsasagawa ng auditing sa partikular na sangay ng AFP upang maiwasan ang kuntsabahan.

Nitong unang bahagi ng taon, inihain ni Trillanes ang isang panukalang resolusyon na naglalayong rebyuhin ang auditing practices and procedures ng COA upang tuluyan nang makalikha ng batas na susugpo sa katiwalian sa AFP.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply