Cojuangco naghain ng kandidatura sa ARMM election

NAGHAIN na ngayon ng kanyang candidacy para vice governor ng Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) si Margarita “Tin-tin” delos Reyes-Cojuangco sa Cotobato City.

Si Conjuangco ay kasalukuyang residente ng Datu Odin Sinsuat Maguindanao province.

Kasama ni Cojuangco sa paghahain ng kandidatura para gobernador si Pax Magundadatu na dating kinatawan ng Sultan Kudarat.

Ang paghahain ng kandidatura ni Cojuangco ay bilang paghahanda sa nalalapit na ARMM election sa Mindanao.

Layunin ni Cojuangco ng PDP-Laban na maiangat ang kabuhayan ng mga residente sa naturang lalawigan na malimit na napababayan ng pamahalaan.

Nais din ni Cojuangco na maisulong ang karapatan ng mga bawat mamamayan ng patas na pamumuhay, magkaroon ng sariling tunay na awtonomiya at palakasin ang Muslim youths sa larangan ng sports. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply