Command center ng DepEd inulan ng reklamo

BUMAHA ng reklamo sa itinayong “Oplan Balik Eskwela” (OBE) command center ng Department of Education (DepEd) simula noong Mayo 30 (2011).

Sinabi ni Education  Secretary Armin Luistro, mula 10:00 ng umaga (Martes) ay umaabot sa 58 ang natatanggap na reklamo kung saan 11 ay may kaugnayan sa paniningil ng school fees, lima naman ang queries at tatlo naman ang request.

Sa  58 reklamo, naresolba na nang mga opisyal ng kagawaran ang 49 dito habang ang tatlo ang tinututukan na rin.

Kabilang din sa mga problema ay ang requirement for transfer at status ng ilang private schools kung ito ay nire-recognize ng kagawaran.

Mayroon ding mga maliliit na reklamo gaya nang replacement ng textbooks at clarification on enrollment policies.

Ang mga reklamo ay ipinarating sa pamamagitan ng text messaging, email at tawag sa telepono.

Ang OBE command center ay itinatag para sa mga reklamo, quiries, request nang mga magulang at estudyante kaugnay nang school opening sa Hunyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply