Commonwealth Ave patuloy na binabantayan ng LTFRB

PATULOY ang masusing monitoring ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa tinaguriang “killer highway” ng Quezon City, ang Commonewealth Avenue, kung saan madalas nagaganap ang malalagim na aksidente na kumikitil sa maraming buhay.

Sa nasabing pagbabantay ng LTFRB, nahuli kaninang umaga (Mayo 31) ang 46 na overspeeding at kolorum, kabilang ang mga bus, jeep at trak

Ayon kay LTFRB Chairman Alberto Suansing, ang monitoring team ay binubuo ng 15 miyembro na mula sa LTFRB, Department of Transportation and Communications (DOTC), Land Transportation Office (LTO) at Highway Patrol Group (HPG).

Ang mga ito ay nakatakdang mag-ikot sa Commonwealth Avenue mula alas-otso ng gabi hanggang alas-otso ng umaga, oras kung saan naitala ang maraming paglabag sa batas-trapiko.

Dagdag pa ni Suansing, mas palalawakin pa nila ang mga kalsadang binabantayan at ipagpapatuloy pa nila ang mahigpit na pagbabantay.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply