Compulsory retirement age babaguhin ni Miriam

NAIS baguhin  ni Senadora Miriam Defensor Santiago ang itinakdang edad para sa pagreretiro ng empleyado na mula sa 65 ay gawing 70 taong gulang.

Dahil dito, aamiyendahan ni Santiago ang Government Service Insurance System Act sa inihain nitong Senate Bill bilang 2797 na naglalayong taasan ang compulsory retirement age ng mga empleyado mula sa 65 ay gawing 70.

Iginiit ng senadora, nais niyang alisin ang “age discrimination”  dahil naniniwala ito na kaya pa rin ng mga empleyado sa edad 65 na gampanan ang kanilang tungkulin.

“The age for compulsory retirement as provided by law was initially thought to be the age when an employee is deemed already unfit to keep his or her employment. But we now have to consider recent advances in medicine and health care, which extend the productive age of employees to even beyond 70 years old, especially in fields that are not physically demanding,” diin Santiago.

Naniniwala si Santiago na magsisilbing inspirasyon ang kanyang panukala sa mga empleyadong nasa edad na ng pagreretiro na kaya pang gampanan ang tungkulin at mas masaya ang pananaw sa kanilang pagtanda dahil maipapakita nito na pwede pa silang makipagsabayan sa mga baguhan at mas bata.

“Many people want to keep working for a variety of other reasons other than economic survival, including enjoyment of the office camaraderie or the sense of purpose that work brings,” giit ni Santiago.

Nilinaw ng senadora na ang retirement age ay isang  major policy issue ng gobyerno sa buong mundo na kung saan unti-unti ay inaalis na nila ang pagtatakda ng compulsory retirement age.

Aniya, tinatalakay sa European Court of Justice na dapat ay may “legitimate aim” kung anong edad dapat magretiro ang isang empleyado dahil kung hindi ay magiging isyu pa ito ng pagkakaroon ng diskriminasyon.

Ayon kay Santiago, dapat ay nakadepende sa “financial health” ang pagreretiro.

Inihalimbawa rin ni Santiago ang ginawang pagtalakay ni Dr. Clarita Carlos ng University of the Philippines sa edad nitong 65 ay  kayang-kaya pa nitong gampanan ang kanyang tungkulin at kaya pang mamahagi ng kaalaman na nakuha nito sa kanyang pagtatrabaho.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply