Condo na tinatambayan ni senador, extension office iisa ang may-ari

ANO ba itong napag-alaman ng matang kuwago ng Remate na iisa ang may-ari ng extension opis at condominium na tinatambayan ng senador na kung saan nanunuluyan ang  kanyang chika babes na dahilan ng hindi magandang relasyon nilang mag- asawa.

Naitanong tuloy ng ating matang kuwago sa Remate na baka ang may-ari ng condo at extension office ng senador ang kalaguyo este jowa nito o kung hindi man ay sino kaya sa mga residente ng naturang condo.

Ito pa ang malupit, halos tatlong taon nang tumatambay sa naturang condo sa Quezon City si senador gayong wala naman pala itong  meeting na naka-schedule sa naturang condo.

Ang tanong ngayon, may ibang ka-mating este ka-meeting si sendor.

Nabatid ng ating matang kuwago ang naturang sistema at madalas na pagtatambay ni senador sa naturang condo matapos na makitang pakalat-kalat ang mga body guard nito.

Matatandaang isa sa mga blind item natin ay pakalat-kalat din ang mga bodyguard ni senador na akala ninyo iisa ang senador ‘yun pala magkaibang senador ito.
Yung naunang senador na tinukoy natin ay nagkaroon ng anak subalit  itong si bagong senador ay hindi pa matukoy kung mayroon na silang bunga ng kanyang tinatambayan sa naturang condo.

Kaya huwag magtaka kung bakit naging ma-lamig ang relasyon nilang  mag-asawa at sa bandang huli ay huwag kayong magulat kung maghiwalay si senador at kanyang asawa.

Ang naturang senador ay minsan na ring umatras sa kanyang karerea sa pulitika kapalit ang katiyakan na tiyak ang panalo ng kanyang tutulungang bise presidente at presidente.

Takot ninyo kay House Speaker Sonny Belmonte dahil kilala niya itong senador dahil sa super close sila at gayundin ang may-ari ng condo at extension opis ni senador.

Uragon naman masyado si senador katulad ni Senador Joker Arroyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply