Coney Reyes itutumba ang mga reyna-reynahang kontrabida

SI CONEY Reyes ay isang babaIng kasing-tigas ng bato ang puso at may damdaming kasing lamig ng bakal.
Sa murang edad, inakala niyang naulila na siya sa ina na later-on ay nalamang inabandona pala sila nito nang sumama sa ibang lalaki. Kaya lumaki siya sa pangangalaga ng amang galit sa mundo at nawalan na ng ganang magmahal.

Bago nakapagtapos sa pag-aaral ay naging desgrasyada si Coney (sa karakter naman ni Shaina Magdayao na napakahusay ang paganap bilang konserbatibong dalaga na puno ng bitterness sa buhay)  na siyang naging dahilan upang atakihin sa puso ang kanyang ama and eventually ay mamatay. Nang nakapanganak, nagpasyang ipamigay ang bata at manirahan na sa ibang bansa.

Ito ang karakter na gagampanan ng premyadong aktres sa bagong TV series ng ABS-CBN na pinamagatang “100 Days to Heaven.” Si Coney ay si Anna Manalastas, ang milyonaryang negosyante na dahil sa mga masasamang karanasan sa buhay ay lumaking napakasama ng ugali.

Matapos mamatay nang pasabugin ang kanyang kotse, nalaman ni Anna na hindi siya makararating sa langit dahil sa kanyang masamang ugali. Kaya humiling siya sa Diyos na bigyan pa ng pangalawang pagkakataon para makarating siya sa langit. Pinagbigyan naman ang kanyang hiling, ngunit sa kondisyong kailangang sa loob ng 100 araw ay maayos niya ang kanyang mga pagkakamali at uumpisahan niya ito bilang isang pitong-taong-gulang na bata na ginagampanan naman ng napaka-talented na child star na si Xyriel Manabat.

Ang husay ni Coney Reyes dito at pakakainin niya ng alikabok ang mga nagre-reynahang kontrabida sa teleserye ngayon.

oOo

Goma, Lucy Torres 10 taon nang di ‘nakaka-swak

TARGET palang mag-assemble ulit ng baby nina Richard Gomez at Representative Lucy Torres-Gomez sa kanilang gagawing pagbabakasyon sa Guam.

Halata sa mga salita ni Goma na atat na atat na talaga siyang magka-baby ulit. “Sana nga eh, lahat na lang ng biyahe namin ay nakamarka iyan, pero wala pa eh,” saad ng morenong aktor sa isang panayam.

“Another baby, two more, three more. That’s a thirteen year old wish that I hope will come true soon in God’s time,” saad ni Lucy.

“Ako we’ve been wanting to have another child since Juliana came to life, ang tagal na rin. It’s been ten years na, sana bago matapos ang taon pinapanalangin namin na magkaroon ng isa pa,” wika naman ni Richard.

Anyway, bukod sa kanyang magandang misis, sa “Mga Nagbabagang Bulaklak” ng TV5 ay buwenas din itong si Goma dahil ang kanyang mga kalampungan dito ay ang mga seksi at naggagandahang sina Ruffa Gutierrez at Valerie Concepcion. Nonie Nicasio

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply