Construction worker nahulog sa bubong, tigok

ISANG construction worker ang namatay matapos na aksidenteng mahulog mula sa bubong ng pabrika na kanyang kinukumpuni  kamakalawa ng hapon sa Barangay Lingunan Valenzuela City, iniulat ngayon, Martes.

Ang biktma na namatay mismo sa pinangyarihan sanhi ng pagkabasag ng ulo  at pagkasugat sa katawan ay nakilalang si Rowie Marina Castillo. 32, may-asawa at residente ng F. Dulalia St., Lingunan, ng nasabing lungsod.

Ayon sa pinagsanib na imbestigasyon nina SP02 Armando Delima at P03 Renaldo Ruiz, dakaong 3:15 kamakalawa ng hapon ng maganap ang insidente sa loob ng Great Asia Industrial Sales Corporation na matatagpuan sa #29 P Gregorio St., Lingunan Valenzuela.

Sa ulat, kasalukuyang kinukumpuni ng biktima ang bubong ng nasabing kumpanya ng aksidenteng maapakan nito ang isang plastic na bubong at tuloy-tuloy na lumusot ang katawan hanggang sa bumagsak ito sa isang bakal.

Dahil dito, nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na naging dahilan ng pagkamatay nito.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya at nakikipag-ugnayan na rin sa may-ari ng nasabing kumpanya para papanagutin sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply