Contraceptives ‘di popondohan ng Maynila

HINDI popondohan at gagastusan ni isang kusing ng lokal ng pamahalaan ng Maynila ang contraceptives.

Ito ang tiniyak ni Manila Mayor Alfredo Lim at sa halip ay ilalaan na lamang ng lokal na pamahalaan ang kanilang limitadong pondo para sa edukasyon at mga pangunahing serbisyo.

“Never na kami ay bumibili ng mga contraceptives. Wala kaming ginagamit na city funds diyan kahit isa at ayaw namin ng aborsyon,” pagtiyak pa ni Lim, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Kasabay nito, nagpahayag rin ng mahigpit na pagtutol ang alkalde sa isinusulong na Reproductive Health (RH) bill sa Kamara, particular na ang probisyon nito kung saan nakasaad ang pagtuturo ng sex education sa mga public elementary at high school.

“We should concentrate on Science, Mathematics and other subject. What we need is real and good education,” ayon pa kay Lim. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply