Cristine, gusto yata’y mag-Stella L sa pelikula hahaha!

THRICE ng nag-flop sa takilya itong si Cristine Reyes.

Yes, resoundling flop ang launching movie noon ni Cristine na “Green Paradise” at papano naman kasi hindi ito sesemplang sa takilya eh super turn-off ang mga barakong nagsipanood sa unang araw ng pagpapalabas nito sa mga sinehan.

Saan ka ba naman kasi nakakita ng lovescene na ‘yung leading man lang ang hubo’t hubad samantalang itong si Cristine, maliban na sa balot na balot ang suot, kinumutan pa ang buong katawan habang nakikipag-lovemaking?

Kaya hayun, dahil feeling yata ng young sexy actress ay siya si Maria Clara ay nag-suffer tuloy ang first movie project niya.

Sa awa sa kanya ng elder sister na si Ara Mina ay ipinag-produce siya uli ng movie nito via “ATE” na ikinalugi rin  ng milyones ni Ara. Kasi naman, imbes na magpakita ng skin dito ang kanyang kapatid ay nagdrama ito at halos kabuoan ng pelikula ay confrontational.

Kaya hayun nilangaw na naman ito.

Tapos, ito namang latest movie niyang Tumbok na dinirek pa man din ng mahusay na si Topel Lee, wala naman siyang ginawa kundi ang takutin ang moviegoers specially ang mga lalaking fans na nagnanasa sa kanya.

Ibinalita nga ni Kapatid na Cesar Pambid sa kanyang kolum dito sa Remate na nag-flop din  ang said project. Ang nakakalokah pa, bakit tila ipinagdadamot ni Cristine ang kanyang flawless at Coca-Cocala body sa big screen samantalang sa dalawang teleserye niya sa Dos na Eva Fonda at Martha Cecilia Presents Kristine, halos kanyang ipakita na ang lahat-lahat at madalas nakabuyangyang pa ang kanyang boobs?

Payong sister lang, kung gusto talaga ni Cristine na maging blockbuster ang movie niya, aba’y i-remake niya ang mga bold movies ni Alma na pawang kumita sa takilya tulad ng Eva Fonda 16, Lumakad Kang Hubad Sa Mundong Ibabaw, Carnival Queen etc.

***

Angel Locsin, bigay-todo kung magmahal

SA GRAND presscon ng 18th Anniversary Offering ng Star Cinema na “In The Name of Love” na pinagbibidahan  nina Angel Locsin at Aga Mulach with Jake Cuenca na may red carpet premier sa Martes, Mayo 10, sa SM Megamall Cinema at showing na sa more  than 100 theaters nationwide sa Miyerkules, Mayo 11, natanong sila pati na rin ang kanilang director na si Inang Olive Lamasan kung papanu ba sila magmahal? “Sa akin, di ba, ‘pag mahal mo ‘yung tao, wala nang tanung-tanong, eh,” sabi ni Angel. “Wala nang isip-isip. Parang lahat, kaya mong gawin para mapasaya mo ‘yung tao. Ang alam ko, ganu’n ang pagmamahal.”

“Ako naman siguro, sa dami ng naging karelasyon ko, sa dami ng dinaanan ko sa buhay, marami na rin akong nagawa,” sabad naman ng leading man ni Angel na si Aga.

Eto, naman ang pagkakaintindi ni Jake “Ahh…ako, paniniwala ko, ‘pag nagmahal ka, kahit ano, gagawin mo para sa taong ‘yun. Masama man o mabuti, ‘pag nagmahal ka walang mali, eh. Wala nang sukat sa puwede mong gawin.”

At para naman  sa director ng tatlo na si Inang Olive “Ako, isa itong tanong na mahirap sagutin kasi hindi siya sinasagot ng future. Sinasagot siya ‘pag napagdaanan mo na. ‘Di ba, saka mo na lang masasagot ‘yung what you’ll be able to do in the name of love?”

Ang said movie nga pala ay kuwento ng pag-ibig na susubukan ang katatagan, pag-ibig  na susugalan ang lahat, pag-ibig na ibibigay ang lahat.

Si Aga ay si Emman Toledo, isang dating dance instructor na naatasang magturo ng sayaw sa nalalapit na Governor’s Ball. Doon niya makikilala si Cedes Fernandez (Angel Locsin) at Dylan Evelino (Jake Cuenca). Hindi inaasahan ng tatlong taong ito na ang pagkaka-kilala nilang iyon ay magdudulot ng malaking pagbabago sa kani-kanilang mga buhay.

***

Mag-donate ng school supplies sa Eat Bulaga

NOONG nakaraang birthday ni Bossing Vic Sotto ay tumanggap siya ng regalo ng isang box ng school supplies mula sa ibang bansa. Kaya naman naging instrumento ito para ilunsad ni Bossing ang isang makabuluhang proyekto para sa maraming mag-aaral na walang kakayahan ang mga magulang na bilhan ang kanilang mga anak ng mga gamit pang-eskuwela.

May nauna ng mga proyekto ang Bulaga para sa edukasyon ng mga maralitang estudyante at ito ay ang EB Classroom project at EB Best.

By the way, masayang-masaya si Bossing sampu ng lahat ng mga kasamahan sa Bulaga ganoon rin ng mga big boss ng Dabarkads sa Tape Office na sina Sir. Tony Tuviera at Ma’am Malou Choa-Fagar dahil dagsa-dagsa ng school supplies na tinatanggap nila araw-araw mula sa mga may puso at concerned nilang televiewers.

Para mas maraming eskuwelahan ang makinabang sa proyekto nilang ito, patuloy na tatanggap ang Bulaga ng mga donasyon nyong school supplies tulad ng papel, notebook, lapis, crayons, bag etc.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply