Cristine Reyes pinagsarhan ng sinehan

MINSAN na rin naming naramdaman ‘yung feeling ng isang super excited but eventually wala lang palang mangyayari. Wala kang magagawa kundi ang manlulupaypay dahil sa kabiguan.

Ito ang nangyari kay Cristine Reyes. Tuwang-tuwa siya dahil finally ang latest niyang movie na Tumbok ay maipalalabas na sa mga sinehan.

Ang saya-saya raw sana ni Cristine nu’ng mga oras na ‘yon. Inspired s’ya at proud sa latest flick niyang ito.

Subalit nang sumugod sila ng kanyang mga friendship sa isang sosing movie house sa Eastwood, wala ang kanyang Tumbok. Pero sure sila na natumbok nila ang tamang sinehan. Doon magpi-first day showing ang nasabing pelikula. Giatay!

Grabe naman. Hindi man lang pinaabot ng ilang araw ng theater owner. Lugi ba sila sa kuryente?

Afraid ba sila na baka dumugin ng langaw ang kanilang sinehan?

Mabuti na lamang at hindi pa nakabili ng popcorn si Papa Rayver (Cruz), kundi lumambot ito nang wala sa oras.

May balat ka ba sa wetpaks, Papa Rayver? Hehehe!

Anyway, kagaya nga ng nabanggit ng kaibigan at kapit-bahay kong si Peter L. dito sa entertainment page ng Remate, huwag kasing magpaka-sister Estela L. ang sis ni Ara Mina. Hindi na uso ‘yan at hindi siya kikita d’yan.

Bakit hindi gamitin ng siyota ni pareng Rayver ang kanyang alindog na kinababaliwan ng mga kalalakihan. Pakita n’ya ang pinakatago-tago niya sa mga eksena at tiyak parang mga asong ulol na susugod ang mga mae-el sa sinehan.

Huwag lang puro si Rayver C. ang nakakakita. Ikaw din, baka maumay ‘yan. Hala ka!

***

Marami ang nakapapansin sa biglaang pagtulis ng babae ni Korina Sanchez, at lalo na ang pagiging blooming nito ngayon. Produkto ba raw ito ng Calayan clinic o ni Dra. Vicky Belo?

Whatever, okey lang ‘yun. Tama lang na magpaganda siya dahil nakabalik na naman sa limelight ang beauty n’ya. Mabuti na lang at lumayas si Maria Reza na hindi yata sila feel ni Kabayang noli de Castro. At salamat naman dahil si Jing Reyes na katsika nila ang pumalit bilang head ng News and Current Affairs ng ABS CBN.

Ang buhay talaga ng tao, paikut-ikot lang, noh?

Anyway, may isang intrigang hindi mamatay-matay kina Ate Koring at ex senator Mar Roxas-ito ‘yung hiwalayan blues ng dalawa. Naghiwalay daw sila dahil sa hindi magtagpo ang kanilang mga oras sa isa’t isa.

Mukhang ang babaw yata ng rason. Wala na bang malalim-lalim na dahilan?

Hehehe!

***

From Bicol to Laguna ay nasundan namin ang pamimigay ng tsinelas ni Ate Koring.

Nu’ng Enero ay namudmod siya ng ng mga ‘step-in’ sa mga yagit na bata sa Vinisitahan, Donsol Sorsogon na tamang-tama namang umuwi kami don.

Nitong Pebrero ay sa Laguna naman ang naging ruta ng sikat na broadcaster. Iyon nga lamang, nagkaroon ng problema sa programa. Nagalit daw ang huli dahil hindi nasunod ang gusto niyang pasakalye bago siya umapir sa nasabing probinsiya. nasermonan tuloy nito ang kanyang staff, na hindi naman kasalanan nito dahil ‘yung local officials ang wala sa ayos.

Napaka-metikuloso raw pala talaga ng misis ng exsen Mar pagdating sa paghahanda sa kanyang programa.

Bueno, ang gusto nating tukuyin dito ay ‘yung reaksiyon ng tao sa bawat lugar na pupuntahan niya na kung saan nagbibigay siya ng tsinelas.

Oks naman daw itong diskarte ni Ate Koring. Pero sana naman daw magbigay din siya ng mas importanteng bagay katulad ng pagkain at mga gamot.

Mahirap yatang ngumuya ng tsinelas, napakatigas. Hahaha!

Kidding aside, nu’ng nasa Donsol daw ang pamosong newscaster, sige ito sa pamimigay ng pananggalang sa paa, pero ‘yung mga tao nakabusangot. Paano nga naman nilang maa-appreciate ang binigay niya gayong mas sanay ang mga tao na nakapaa dahil nasa pampang ng dagat sila nakatira?

Kung lafang ang ginibzung niya t’yak nagsipagmano sa kanya ang mga otawzing doon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply