Curtis Stinson bagong import ng Barangay Ginebra

BUO na ang pasya ni Head coach Joseph “Uichico” na kunin si Curtis Stinson bilang import nila sa susunod na PBA Governors Cup na magsisimula sa Hunyo.

Ang dating import ng Gins na si Nate Brumfield na tinanghal na best import ng Commissioners Cup ay nakabalik na sa Estados Unidos matapos na ihatid ang Ginebra sa runner-up pisition. Magpapagaling din siya sa tinamong groin injury noong huling komprehensiya.

Ang 28-anyos na Stinson ay dumating na sa bansa noong Martes ng umaga. Siya ay may taas na 6’2 at isang magaling na guard na mula sa Iowa State at taglay ang monicker na “blue colar” mula sa Rocker Park sa Harlem, New York. Nakapaglaro si Stinson sa Croatia at Greece at nagkapagsanay sa Golden State Warriors at sa Los Angeles Clippers sa National Basketball Asscociation Summer League.

Ang Ginebra Gin Kings ay isa sa apat na team sa PBA na makapagpapasok ng import na amy taas na 6’2 sa Governors Cup kasama ang tatlong iba pa na Talk N’Text Tropang Texters, B-Meg Llamados at ang nagbagong bihis na Petron Blaze.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply