Customer ng restaurant, pinasabog ang ulo

BUTAS ang bungo ng lalaking customer ng isang restaurant matapos barilin ng hindi nakilalang salarin habang kumakain sa Quezon City.

Ayon kay Senior Police Officer 2 Neil Garnace, may-hawak ng kaso, nakilala ang biktima na si Cerlencio Torejos Man-os, alyas “Junior,” ng Project 8, nasabing lungsod.

Nangyari ang insidente sa loob ng Rey Violy’s Food House sa No.2 Dangay St., Corner Marig St., Brgy. Veterans Village, ganap na alas 11 ng gabi.

Ayon sa isang Efren Olivas, kustomer din ng restaurant,  habang  kumakain sila ng kanyang live-in partner sa naturang Food house ay ginulat sila ng mga putok ng baril.

Nang tumigil ang putok at lingunin ang pinagmulan ng ingay ay tumambad sa kanila ang duguang katawan ng biktima na may tama ng bala sa ulo habang nakaupo pa sa harap ng kanyang mesang kinakainan.

Mabilis din anyang tumakas ang suspek na nakasuot ng maong na pantalon at itim na sumbrero sa nasabing lugar.

Sa kasalukuyan, ayon kay Garnace, blanko pa rin sa sila sa motibo ng pamamaril sa biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply