Customs chief posibleng masibak

NAHAHARAP ngayon si Customs Commissioner Angelito Alvarez sa posibleng pagkakasibak sa pwesto matapos ang kontrobersya sa anomalya ng mga imported na luxury cars at motorsiklo sa Cagayan de Oro City kamakailan

Tila hindi nakuntento ang Pangulong Benigno Aquino III sa sagot ng mga opisyal ng Bureau of Customs sa Maynila na wala silang alam na smuggling activities sa Mindanao at kung hindi pa sa impormasyon ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ay hindi pa matutuklasan ang nagaganap na pagpasok ng mga smuggled cars sa Cagayan.

Sa isang panayan kay Pangulong Aquino sa Davao City, natutuwa siya sa ulat ng Department of Finance na lumobo ang kita ng pamahalaan sa Bureau of Customs (BOC) sa ilalim sa pamamahala ni Alvarez subalit hindi umano siya kuntento sa nagaganap na smuggling lalo na at mga dayuhan pa umano ang nagsasabi na may krimeng nagaganap sa ating bansa.

Handa naman umano si Alvarez kung papalitan siya ng Pangulo dahil nagsisilbi umano siya sa kasiyahan nito at hindi siya tututol sa anumang desisyon nito.

Ayon kay Alvarez ang mga naupo sa kanyang puwesto ay tumagal lamang ng anim na buwan dahil sa mahirap ang kalabanin ang mga malalaking tao at politiko na may interes sa ahensya.

Maging si Finance Secretary Cesar Purisima ay hanga kay Alvarez at nakahanda umano niya itong ipagtanggol.

Tuwing Huwebes umano ay nagsasampa ng kaso ang BOC sa Department of Justice laban sa mga malalaking smugglers na may mga koneksyon o kasosyong malalaking tao o politiko at ito umano ang isa sa mga dahilan kung kaya’t marami ang gustong mawala siya sa pwesto.

Ang mga pinagpipilian na hahalili kay Alvarez kung matutuloy ang pagpapalit sa kanya ay sina dating Rep. Liwayway Vinzons Chato at dating Rep. Manuel Mamba na kapwa Liberal Party. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply