Customs official nasa likod ng ‘hot cars’ smuggling

LUMUTANG ang pangalan ng isang mataas na Customs official na sangkot umano sa iligal na pagpasok ng mga hot cars galing sa Texas, USA kabilang ang isang P3.4 milyon custom-made na Harley Davidson na pag-aari umano ng Hollywood writer na si Skip Woods.

Ayon kay Benjamin Lizada ,punong convenor ng People Power Volunteers for Reform-Davao City, ang umano’y pangalan ng Customs official na sinasabing may kinalaman sa talamak na katiwalian sa Cagayan de Oro ay si dating Davao Customs Chief Anju Castigador.

Si Castigador ay inilipat sa Cagayan de Oro matapos kasuhan ng negosyanteng taga-Davao na si Rodolfo Reta ng putulin niya ang 25 taon kontrata ng huli bilang operator ng isang Designated Examination Area (DEA) na umeeksamin ng mga kargamento na dumarating sa Customs na hindi dadaan sa mga examiners na isang epektibong paraan upang labanan ang smuggling.

Nakahuli umano si Reta ng 40 vans ng smuggled na bigas noong 2009 sa Davao City subalit imbes na imbestigahan ang pagkakahuli  ay gumawa ng hakbang ang mga Customs officials para matanggal ang DEA sa Davao port.

Nagpakalat din umano ang mga kalaban ni Reta ng mga balitang sangkot siya sa mga politiko at iba pang mapanirang pahayag upang madiskredito siya, hanggang kanselahin ng nakaraang administrasyon ang kanyang kontrata. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply