C’wealth operation ng DOTC, di ‘ningas kugon’

ITINANGGI ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na hindi “Ningas Kugon”, o hindi lang sa simula maganda, ang ipinapatupad nilang kampanya laban sa mga pasaway na drayber, partikular na sa 12.4-kilometer stretch na Commonwealth Avenue, na siya ring binansagang “killer highway”.

Sa panayam kay Transportation and Communications Sec. Jose “Ping” De Jesus, gumagawa na sila ng kaukulang mga hakbang at itinutulak na ang lahat ng measures upang matutukan ang problemang kinakaharap ng transport sector.

Ayon kay De Jesus, bilang paunang hakbang, nagtalaga na ang kanilang ahensya ng mga poposte sa naturang highway upang maiwasan na ang serye ng mga aksidente.

Bukod pa rito, nakikipag-ugnayan narin aniya ang ahensya sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG), at sa iba pang mga traffic enforcer.

Base sa huling ulat na inilabas ng MMDA, umabot na sa 1,000 ang nahuli nilang mga lumabag sa batas-trapiko makaraang lumagpas sa 60kph (kilometer per hour) speed limit.

Tiniyak naman ni Tolentino na magpapatuloy ang kanilang kampanya at masusi nilang popostehan ang nasabing lansangan upang malimitahan na ang mga aksidenteng nagaganap sa lugar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply