C’wealth sobrang delikado ayon sa foreign experts

LUMALABAS sa pagsusuri ng mga dayuhang eksperto na lubhang mapanganib sa mga pedestrian, biker at lahat ng uri ng behikulo ang kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City.

Ito ang isinasaad sa pinalabas na inisyal na resulta ng pag-aaral ng mga dayuhang eksperto sa     Commonwealth Avenue kaugnay ng International Road Assessment Program (Irap).

Ayon kay Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson, batay sa  pag-aaral ng mga eksperto mula sa ibang bansa, salig sa pinaiiral na panuntunan ng international safety o kaligtasan, lumalabas na high risk sa mga pedestrian at mga biker ang kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Nabatid na base rin sa isinagawang pag-aaral ng mga eksperto na 69 porsiyento ng Commonwealth  Avenue ay binigyan ng grado na isa hanggang dalawang star na nangangahulugang high risk para sa mga motorista.

89% ng Commonwealth Avenue ay binigyan ng isa hanggang dalawang stars o high risk sa mga  nakamotorsiklo.

Habang 100 porsiyento naman ng lansangan ay isa hanggang dalawang stars na  high risk sa mga nakabisikleta, habang 100 porsiyento rin ng kalsada ay may isa hanggang dalawang stars o high risk sa mga pedestrian.

90 porsiyento ay may katamtaman hanggang high level ng side friction dahil sa ilang obstruction gaya ng mga poste ng kuryente, mga puno at mga tindahan.

Sinabi ni Singson na ang dahilan ng pagiging high risk ng Commonwealth Avenue ay ang pagiging abala sa daloy ang ilang footpaths bukod sa high level activity nito.

Karamihan ng pedestrian bridge ay walang kaukulang pedestrian fences habang ang ilang pedestrian bridge ay nagtatapos sa mismong traffic lanes.

Sa susunod na linggo ay inaasahang ilalalbas naman ang resulta ng pag-aaral sa speed management na aakma sa Commonwealth Avenue.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply